Wednesday, April 1, 2026

Review: Sisa, the movie


 

Review:  Sisa, the movie

By YANNI ROXAS

BULATLAT

 

“Our grief is endless.”

 

Spoken by a woman survivor in the film “Sisa” during the American colonization of the Philippines recalls the horrors of wars and abuse endured by countless peoples, past and present, in conquered territories or targeted invasions.

 

In the film, the drawing power was initially the much awaited comeback of the highly respected Hilda Koronel.  Will she do another master class in playing the lead role of Sisa, a tragic victim of Spanish oppression in Rizal’s novel who fell into madness?  Yes there was madness, but award-winning director Jun Robles Lana, chose to portray Sisa not as vulnerable or mentally broken but as a spy in the Philippine-American war.  The only kinship to Rizal’s Sisa was to use madness as a disguise for espionage.

 

 Koronel’s raw and exceptional talent brought into the screen the subtleties and complexities of a spy intruding and finally living in a concentration camp.  She herself identifies with the women in the camp as her own family was burned to death during the occupation. Lana used the film as an eye opener to audiences. Not only was it shown in time for the Women’s Month but the raging US-Israel war against Iran, though fought with missiles and bombs, brought  untold sufferings and brutality even in previous times when the US started holding military dominance in the world and occupying territories. Unfortunately to this day many Filipinos remain blindsided by the atrocities of American forces even in their own land, and continue to treat the US as savior or liberator.

 

This is such an unequivocal truth.  The dominance of foreign oppressors over the oppressed is altering the lives of people upside down, radically, until they lose control of their future. In “Sisa”, a once- peaceful village becomes a concentration camp where only women, children and old folks remain, while male kins are suspected of being insurgents. Whatever is left of families is turned into communal lives amid poverty and repression. Each day the colonizers exercise abuse of power, racism, arrogance, lies and domestic slavery, cavorting with local women as well, but with sexual assault not far behind. Even then some women could fall for the Americans who easily duped them by promises of love.

 

But there are other unsettling truths in this movie, especially when revolutionary heroes turn traitors. The shock was palpable as Sisa and the camp women who ultimately would have followed her into secretly aiding the insurgents (“hukbo ng bayan”) raged silently when the people’s army marched into the concentration camp to surrender — not to raid, kill or capture the top US visiting forces (“members of  the Taft Commission”) as had been planned earlier.  General Artemio, the Filipino commander played by Romnick Sarmienta, sadly and quietly admitted to Sisa that they are laying down their arms, helpless before the almighty  Americans.

 

Did the women accept their fate? No. Eugene Domingo, playing the second lead Delia as a suffering mother, spoke the voice of injustice and refused to surrender to the US forces. And the reason?  They had all witness the brutality of colonization as their husbands and children were killed by the colonizers before their very eyes. It was unforgivable to accept defeat, nor would they ever forget.

 

As the women debated among themselves, Sisa conveyed inner turmoil.  Without saying a word, but with hands trembling and with intense pained expression, she silently led the women to serve food mixed with what apparently looks like rat poison.  While the US forces and the “insurgents” partied to celebrate the surrender, the women found solace in pouring gasoline around the corners of the dining room.  They deliberately locked the room, including themselves, so no one can escape.  As each diner was falling down, Sisa held a lamp around which the women gathered, and a quiet smile rested on her lips.

 

Nothing much needed to be said.  People, women and more, will find ways to serve justice in any which way they can and, whether by desperation or by intention, would rather offer one’s life to the end than suffer oppression on repeat. This female narrative is exceptional as it inspires and pays tribute to the courage and solidarity of Filipino women driven by injustice.  It also felt like a sense of catharsis filled the audience as they clapped their hands when the movie ended. (RVO)

 

Link: https://www.bulatlat.com/2026/03/31/review-sisa-the-movie/

Tuesday, March 31, 2026

Hindi ang babaeng ‘baliw’ ang salot sa pelikulang ‘Sisa’


 

Hindi ang babaeng ‘baliw’ ang salot sa pelikulang ‘Sisa’

FEU Advocate

March 30, 2026 20:35

 

Ni Bianca Bumatayo

 

Ipinamalas ng pelikulang drama ni Jun Robles Lana na sadyang makapangyarihan ang dugo ng kababaihang Pilipino. Sa kabila ng pang-aabuso at panunupil ng mga dayuhan, napatunayan sa kuwento ni Sisa na hindi suliranin sa lipunan ang babaeng binabansagang baliw, kundi ang mga mapang-api ng dignidad at karapatan.

 

Matapos ang labintatlong taong pagpapahinga ni Hilda Koronel mula sa paggawa ng pelikula, muli niyang ginulat ang industriya ng pelikulang Pilipino sa kaniyang pagganap bilang ‘Sisa’ na isinulat at binigyang-direksiyon ni Jun Robles Lana.

 

Mababalikan na ang huling pelikulang ginampanan ni Koronel ay noong 2012 pa sa pelikulang ‘The Mistress’ kasama sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at ang namayapa nang si Ronaldo Valdez.

 

Sa likod at harap ng mga lente ng kamera, kilala si Koronel bilang mahusay na beteranong aktres sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Naging tanyag ang kaniyang mga pagganap sa pelikulang inilathala ni Lino Brocka tulad ng ‘Insiang’ na inilabas noong 1976.

 

Isinagawa ang kauna-unahang world premiere ng pelikulang Sisa noong ika-25 ng Nobyembre 2025, sa 29th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia bilang bahagi ng kategoryang Official Selection - Competition.

 

Ngayong buwan ng mga kababaihan, iniuwi ng The IdeaFirst Company ang pelikula rito sa Pilipinas nitong ikaapat ng Marso 2026, upang itampok ang mga kababaihang Pilipinong patuloy na lumalaban, naninindigan, at nakikipagsapalaran sa marahas na sistema ng lipunan.

 

Hagupit ng digmaan

 

Sa unang bahagi ng taong 1902, sumiklab ang digmaan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Isang marahas at madugong yugto para sa mga mamamayang patuloy na nakagapos ang buhay at kalayaang kontrolado ng mga dayuhan.

 

Sa gitna ng malawak na kapatagan, natagpuan ng isang Amerikanong sundalo ang isang babaeng tahimik at palakad-lakad nang nakapaa. Magulo ang buhok at tila wala sa tamang disposisyon ang sarili.

 

Hindi alam ng babae ang kaniyang ngalan o kung saan ang kaniyang pinanggalingan, kaya’t ipinahabilin ng sundalo ang babae sa batang si Nena, ginampanan ni Angellie Sanoy, na pansamantalang alagaan muna ang babae. Nang kupkupin nina Nena at ng kaniyang ina na si Delia, ginampanan ni Eugene Domingo, ang babaeng wala sa sarili, binigyan nila ito ng pangalang Sisa.

 

Kilala ang pangalang Sisa mula sa karakter ng nobela ni José Rizal na ‘Noli Me Tangere.’ Isang ginang na nawala sa matinong kaisipan nang mawalay sa kaniya ang dalawa niyang supling na sina Crispin at Basilio.

 

Bagama’t hindi siya ang parehong karakter mula sa nobela, ito ang kanilang naging basehan sa pagbibigay-pangalan kay Sisa bilang isa ring babaeng binansagang ‘wala sa katinuan.’

 

Dahil sa malagim na yugto ng digmaan, umiikot lamang ang pamumuhay ng mga Pilipinong tulad nina Delia, Nena, at Sisa sa loob ng reconcentrados o concentration camps.

 

Nakatira sila sa labas na bahagi ng mga garrison, ngunit kinikilala nila ang kanilang mga sarili bilang mga bilanggo sa kamay ng panunupil ng mga Amerikano.

 

Sa panahon ng pananakop ng mga ito, maituturing na alipin ang mga kababaihang tulad nina Sisa sa sarili nilang bayan. Iginigiit ng mga Kano na ang mga Pilipino ay nilikha upang manilbihan at magpaalipusta sa mga kagustuhan at prinsipyo ng mga dayuhan.

 

Habang tumatagal, lubos na hindi maipinta ang poot na nararamdaman ng mga Pilipino mula sa pagmamaliit sa kanila ng mga Amerikano. Tila isang bugso ng damdamin ang nagtutulak sa mga kababaihang lumaban nang patas at kumilos nang may buong tapang at paninindigan.

 

Piging ng himagsikan

 

Baligtad sa ipinahihiwatig ng pelikula na walang kakayahang lumaban sa digmaan si Sisa dahil sa kaniyang kalagayan at kasarian. Hindi maikukubli na nagmumula ang tunay na suliranin sa mga taong nasa tamang kaisipan ngunit may baluktot na prinsipyo at pangangatwiran.

 

Kung minsan, mas madali pang malinlang ang mga ordinaryong tao kompara sa mga taong katulad ni Sisa na madalas tawaging wala sa katinuan.

 

Sa pananaw ng mga Amerikano, inakala nilang mabilis mabulag ang kabataang kagaya ni Nena sa kanilang pagpapakitang-tao, kaya’t pilit nilang hinuhubog ang mga ito upang maging kahalintulad ng mga dayuhan sa anyo ng edukasyon at pag-iisip.

 

Ninais ni Nena na matutuhan ang pamamalakad ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pagiging maayos at sibilisadong mamamayan. Ngunit paulit-ulit siyang pinapaalalahanan ni Delia na maging mapagmatyag at manatiling mulat sa katotohanan sa likod ng digmaan.

 

Maging si Sisa, naging isang maaalalahaning nakatatanda para kay Nena, at malumanay niya siyang ginabayan upang maging matalino sa bawat kilos at hindi magbulag-bulagan sa pang-aabuso ng mga Amerikano.

 

Tila nagkaroon ng isang katanungan si Nena—papaanong nagagawa ni Sisa na mapangaralan ang dalaga gayong alam nilang wala ito sa tamang katinuan.

 

Sa katotohanan, walang pinagkaiba si Sisa mula sa mga pinagdaanan nina Delia at ng dalawa pa nilang kapuwa babae na sina Aling Opel, ginagampanan ni Tanya Gomez, at Leonor, ginagampanan ni Jennica Garcia.

 

Pare-pareho nilang naranasan ang kahindik-hindik na sistema ng mga dayuhan. Kabilang na rito ang pagsasamantala sa kanilang puri at ang labis na pang-aalipin habang patuloy na pinagsisilbihan ng mga Pilipino ang mga Amerikano.

 

Bitbit nila ang isang pagluluksang kailanman ay hindi na maghihilom—ang realidad na binasura ng mga Amerikano ang dignidad at karapatan ng bawat kababaihang Pilipino. 

 

Ngunit sa kabila ng matatag na loob at kumpiyansa nito, unti-unti niya ring nakikita ang realidad na hindi lamang mga Amerikano ang kalaban ng kanilang bayan—kundi ang kaniyang kapuwa Pilipinong pumapanig sa mga dayuhan.

 

Mula sa magagarbong pananamit at edukadong pamumuhay, ninais ng ibang kababaihan sa pelikula na maging katulad ng mga Amerikano—maging ang pagiging sibilisado, na may kasamang delikadesa, at talinong umaangkop sa pamantayan ng lipunan.

 

Sa likod ng pangarap nila, tila unti-unti silang nahuhulog sa bitag ng mga Amerikanong walang ibang hinangad kundi mamuno sa minamaliit nilang bayan ng mga Pilipino.

 

Nasiraan ng bait si Sisa dahil sa paninira ng dangal at dignidad, kasabayan ng malagim na trahedyang sinapit ng kaniyang pamilya. Kaya’t sa kabila ng pananahimik at pagtitiis, binuo ni Sisa ang kaniyang paninindigan na maipaghiganti ang kaniyang bayan.

 

Kung kaya’t sa pananaw ng mga kababaihang tulad ni Sisa na mulat sa katotohanan, mas lalo lamang umangat ang pagkasuklam nito sa mga kapuwa Pilipinong ipinagkakanulo ang sarili nilang bayan para sa kampon ng mapang-abusong mga dayuhan.

 

Habang tumatagal ang lalim ng digmaan, pailalim na isinagawa ni Sisa ang mga hakbang tungo sa rebolusyon. Sa pamamagitan ng pagiging isang espiya para sa mga Amerikanong sundalo upang matagumpayan ang pakikipaglaban nito.

 

Lampara ng rebolusyon

 

Sa layo ng mga pinagdaanang sakuna at trahedya ng mga Pilipino sa gitna ng digmaan, mapagtatanto na tanging katapangan at kagitingan ng mga kababaihan ang daan tungo sa kalayaan ng kanilang lipunan.

 

Ang paninindigang ipinakita ni Sisa ang nagpaalab sa puso ng mga kababaihan. Kahit binabansagan siyang babaeng ‘baliw’ at ‘walang alam sa lipunan,’ tahimik niyang ipinapamalas na may kapasidad at kakayahan ang bawat Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan.

 

Hindi naging hadlang kay Sisa ang kawalan ng katinuan sa kaniyang kaisipan. Sa kabila ng pagiging biktima ng panunupil sa sarili niyang bayan, naging simbolo ito para sa kaniya na lumaban at ipaghiganti ang sinapit ng kaniyang mga mahal sa buhay.

 

Matatag niyang hinarap ang realidad na hanggang sa huling hininga ng mga Pilipino, bibitbitin nila ang marahas na sistema ng mga dayuhan. Kasabay kung paano nito binago ang bawat pananaw ng Pilipinong ninakawan ng maayos na pamumuhay.

 

Kahit sa totoong buhay, tila malaking epekto ang sistema ng isang lipunan sa mga mamamayan. Naisasalamin nito ang kahirapan na patuloy na pinapasan ng bawat Pilipino.

 

Naka-ukit pa rin sa sistema ng bansa ang lubos na diskriminasyon na nararanasan ng mga kababaihan na mas lalong naging bunga ng patriyarkal na lipunan ng bansa.

 

Mula sa mga eksena’t diyalogo nito, isa itong mahalagang paalala sa mga Pilipino na nararapat manaig ang katapangan upang tuluyang tibagin ang marahas na sistema ng lipunan.

 

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring anyo ng kawalang-katarungan at pang-aapi na patuloy na nararanasan ng mamamayan, lalo na sa mga kababaihan na kadalasang hindi pinakikinggan o minamaliit ang kanilang puri at karapatan.

 

Sa konteksto ng panahon ngayon, isa itong palatandaan na may pag-asang manaig ang boses ng mga kababaihan sa isang patriyarkal na lipunan. Kung patuloy na lalaban ang mga Pilipino nang walang bahid ng pagmamaliit o diskriminasyon sa isang kasarian, unti-unting uunlad ang isang bansang may malayang paninindigan.

 

Napatutunayan ng pelikulang Sisa na hindi lamang pananahimik at paninilbihan ang kakayahan at tungkulin ng mga kababaihan. Sa kabila ng malagim na trahedyang kanilang pinagdaanan, sila ang naging tunay na rebolusyon na pumiglas sa panunupil ng mga dayuhan.

Patuloy na mapapanood ang ‘Sisa’ sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

 

(Dibuho ni Iya Maxine Linga/FEU Advocate)

 

Tuesday, March 24, 2026

40 pelikulang nagpatingkad sa industriya!







 

40 pelikulang nagpatingkad sa industriya!

 

Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

March 24, 2026 | 12:00am

 

Ang taong 1976 ang maituturing na golden year o ginintuang taon ng Philippine cinema.

 

Tunay na maipagmamalaki mo ang mga pelikulang ipinalabas nung taong ‘yun hanggang sa mga sumunod pang taon.

 

Maraming mga classic film na ang iba’y socially relevant na malaki ang ambag sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

 

Noong panahong ‘yun dalawa o tatlong pelikulang ipinapalabas tuwing Linggo.

 

Talagang inaabangan at dinadagsa ng mga manonood.

 

Nung panahon ding ‘yun ay nabuo ang mainit na rivalry nina Nora Aunor at Vilma Santos na hindi pa rin kayang higitan ng mga sikat na artista sa ngayon.

 

Nung taon ding ‘yun ay inilunsad ang mga malalaking bituin na sina Alma Moreno, Rudy Fernandez, Charo Santos, Daria Ramirez, Trixia Gomez at Orestes Ojeda.

 

Kaya eksaktong nasa 50 taon na, balikan natin ang mga pelikulang hindi makakalimutan at hanggang ngayon ay bahagi sa mga pinag-uusapan at pinag-aaralan sa usaping pelikula at lipunan.

 

Narito ang 40 na pelikulang nagpatingkad sa ating pelikulang Pilipino.

 

Pero simulan natin sa taong 1976 na kung saan ito talaga ang taong napanood ang mga pelikulang hindi kumukupas sa patuloy na pag-usad ng panahon.

 

Simulan natin sa pelikulang (1) Insiang ni Hilda Koronel na dinirek ni Lino Brocka.

 

Ito ang unang pelikulang Pilipino na ipinalabas sa Cannes filmfest.

 

Isa rin ito sa 10 kalahok sa 1976 Filipino Film Festival, na kung saan nagwagi sina Hilda, Mona Lisa at Ruel Vernal.

 

Hinding-hindi rin makakalimutan ang (2) Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? na entry sa 1976 Metro Manila Film Festival (MMFF).

 

Isa ito sa pinaka-memorable films ni Christopher de Leon na dinirek ng pumanaw na National Artist na si Eddie Romero. Nagmarka rin sa pelikulang ito sina Leopoldo Salcedo, Gloria Diaz at Dranreb Belleza.

 

Paano ba natin makakalimutan ang linyang “my brother is not a pig!” ni Nora Aunor sa pelikulang (3) Minsa’y Isang Gamu-Gamo.

 

Isa ito sa mga pelikulang ipinagmamalaki ng direktor na si Lupita Aquino-Kashiwahara.

 

Sa taon ding ‘yun ay ipinalabas ang isa pang likha ni Lupita Aquino-Kashiwahara na (4) Magandang Gabi Sa Inyong Lahat na pinagbidahan din nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

 

Kung may (5) Tatlong Taong Walang Diyos si Ate Guy, nung taon ding ‘yun ay meron din si Vilma Santos na pinagsamahan nila ng Da King Fernando Poe Jr. o FPJ, ang (6) Bato sa Buhangin.

 

Naalala pa naming dito ipinakilala si Tina Monasterio na isa sa sexiest stars nung panahong ‘yun. Si Tina ang ina ng actor na si Derrick Monasterio.

 

Kasali rin sa MMFF nung taong ‘yun ang (7) Dateline Chicago: Arrest the Nurse Killer na pinagbidahan nina Joseph Estrada at Pilar Pilapil. Ito ang topgrosser sa naturang filmfest.

 

Nung sumunod na taon, 1977, ay dito naglikha ng ingay ang pelikulang Burlesk Queen ni Vilma Santos.

 

Nagkaroon pa ito ng isyung bawian ng awards sa MMFF. Isa ito sa hindi makakalimutang obra ni Celso Ad Castillo.

 

Sa taon ding ito ay namayagpag sa MMFF ang pelikulang (8) Bakya Mo Neneng nina Joseph Estrada at Nora Aunor at isa ito sa topgrosser sa MMFF nung panahong ‘yun.

 

Pero sa taon ding ito napanood natin ang iba pang classic films na (9) Kung Mangarap Ka’t Magising nina Christopher de Leon at Hilda Koronel na dinirek ni Mike de Leon. Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Baguio na paboritong location ng premyadong direktor.

 

Taong 1978 naman na-produce ang isa rin sa mga hindi makakalimutang pelikula ni Nora Aunor, ang (10) Atsay.  “Mamay, mali ang hula nila,” ‘di makakalimutang acceptance speech ni Ate Guy nang tanggapin nito ang Best Performer award.

 

Walang Best Actor at Best Actress. Isa lang ang winner nung taong ‘yun na tinanghal na Best Performer. Natalo rito ni Ate Guy sina Vilma Santos ng (11) Rubia Servios ni direk Lino Brocka.

 

Inamin ng Star for All Seasons noong panahon na ‘yun na sobra siyang nasaktan sa pagkatalo niya sa filmfest.

 

Pero sa taon ding ito na-produce ni Ate Vi ang (12) Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak, ni direk Celso Ad Castillo.

 

First production niya ito sa kanyang VS Films na kung saan nagkabaun-baon daw siya sa utang dito.

 

Sa taon ding ito inilunsad si Sen. Lito Lapid bilang action star sa pelikulang (13) The Jess Lapid Story.

 

Taong 1979 naman ay nagsiksikan din ang mga magagandang pelikula na namayagpag sa MMFF.

 

Dito nagtunggali sa Best Actress sina Nora Aunor at Lolita Rodriguez sa (14) Ina Ka Ng Anak Mo ni Lino Brocka.

 

Dito rin nagawa ni Direk Lino ang klasikong pelikula na (15) Jaguar na napansin ang galing ni Phillip Salvador. Nakara­ting din ito sa Cannes International Film Festival.

 

Pero napasayaw rin nang bonggang-bongga si Ate Guy sa pelikulang (16) Annie Batungbakal. Isa ito sa biggest hits ng original superstar.

 

Naluklok din bilang isa sa pinakamagaling na aktres at naki­pagsabayan din sa pagpapa-sexy si Gina Alajar sa pelikulang (17) Diborsyada ni Elwood Perez.

 

Sa taon ding ito naglikha ng ingay ang pagpapatalbugan nina Lorna Tolentino at Rio Locsin sa pelikulang (18) Stepsisters na dinirek din ni Elwood Perez.

 

Patuloy na tinatangkilik ang pelikulang Pilipino nung taong 1980.

 

Dito inilunsad bilang bida si Cherie Gil – sa pelikulang (19) Problem Child.

 

Dito rin naipalabas ang obra ni Eddie Romero na (20) Aguila na ilang taon din nilang binuo.

 

Sa taon ding ito nagpa-sexy si Vilma Santos sa pelikulang (21) Miss X ni direk Gil Portes.

 

Ibinahagi pa ito sa amin ng National Artist na si Ricky Lee na siyang nagsulat ng pelikulang ito.

 

Tinanong siya kung nagustuhan niya ang pelikulang ito na isinulat niya ang script. Diretsong sinagot niyang, “hindi!”

 

Taong 1980 rin ang pelikulang (22) Temptation Island ng Regal Films na hanggang ngayon ay hindi pa rin makakalimutan ang mga karakter na ginampanan nina Dina Bonnevie, Azenith Briones, Jennifer Cortez, Bambi Arambulo at Deborah Sun.

 

Inilunsad din noong dekada ‘80 si Dina Bonnevie sa pelikulang (23) Katorse kasama si Gabby Concepcion.

 

Hanggang ngayon ay iba pa rin ang dating ng pelikulang (24) Kakabakaba Ka Ba? ni direk Mike de Leon.

 

Isa rin sa nagawa ni Ishmael Bernal na napanood sa taong ito ay ang (25) Manila By Night ng Regal Films.

 

Lumutang sa pelikulang ito sina Rio Locsin at Bernardo Bernardo.

 

Dito rin nabuo ang hindi makakalimutang fantasy film ni FPJ, ang (26) Ang Panday na nagkaroon din ng iba’t ibang version na ginampanan nina Bong Revilla Jr., Jericho Rosales at Coco Martin.

 

Dito rin nagpasiklab si Nora Aunor sa isa pang classic film niyang (27) Bona na dinirek din ni Lino Brocka.

 

Marami ring mga pelikulang tunay na maipagmamalaki na napanood sa taong 1981.

 

Ilan sa mga ito ay ang (28) Playgirl ni Gina Alajar na likha ni Mel Chionglo, ang (29) High School Scandal ni direk Gil Portes na kung saan dito sumikat ang theme song niyang High School Life na kinanta ni Sharon Cuneta.

 

Pero sa taon ding ito lalong tumingkad ang bituin ni Sharon sa pelikulang (30) Dear Heart at P.S. I Love You.

 

Dekada ‘80 rin nang ipa­labas ang (31) Kumander Alibasbas ni Joseph Estrada, ang launching movie ni Snooky Serna na (32) Bata Pa si Sabel, at ang (33) Kamakalawa ni Eddie Romero.

 

Pero talagang namayagpag si Gina Alajar sa taong ito, dahil dito rin ipinalabas ang iba pa niyang pelikula—ang (34) Kontrobersyal ni Lino Brocka at ang Salome na dinirek ni Laurice Guillen.

 

Hindi rin makakalimutan sa taong ito ang pelikulang (35) Kisapmata ni Mike de Leon. Na­nalo sa MMFF sina Vic Silayan, Jay Ilagan, at Charito Solis, at hindi pinalad si Charo Santos.

 

Dito sa taong 1982 natin nabuo ang 40 pelikulang hindi natin makakalimutan at nakatatak na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

 

Taong 1982 ipinalabas ang pinakamagandang obra ni Peque Gallaga na (36) Oro, Plata, Mata.

 

Dito rin ang isa pang napakagandang pelikulang obra ni Mike de Leon na (37) Batch ‘81.

 

Nabuo rin sa taong ito ang isa sa classic films ni Marilou Diaz-Abaya ni (38) Moral, na ang dinig namin ay gagawin nang musical nina Ricky Lee at Ryan Cayabyab.

 

Sa taon ding ito ipinalabas ang (39) Relasyon ni Vilma Santos na likha ni Ishmael Bernal.

 

At higit sa lahat, sa taon ding ito inilikha ang maituturing kong pinakamagandang pelikula sa buong kasaysayan ng pelikulang Pilipino, ang (40) Himala ni Nora Aunor na obra rin ni Ishmael Bernal.

 

Sabi ni Ricky Lee, talagang na-depress daw si Ate Guy rito dahil wala siyang nakuhang Best Actress award sa award-giving bodies. Dito nag-grand slam si Ate Vi, sa pelikula niyang Relasyon.

 

Nawa sa paglipas ng panahon ay hindi makalimutan ang mga pelikulang ito.

 

Link: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/showbiz/2026/03/24/2516444/40-pelikulang-nagpatingkad-sa-industriya

 

Review: Sisa, the movie

  Review:   Sisa, the movie By YANNI ROXAS BULATLAT   “Our grief is endless.”   Spoken by a woman survivor in the film “Sisa” du...